
Napanood sa ikalawang episode ng action-adventure series na 'Mga Lihim ni Urduja' kagabi ang sayaw ng Tawalisi na pinangunahan nina Hara Urduja (Sanya Lopez) at Dayang Salaknib (Rochelle Panglinan).
Sa naturang eksena, ipinamalas ng Kapuso stars na sina Sanya at Rochelle ang kanilang husay pagdating sa pagsasayaw.
Habang umiindayog ang dalawa suot ang kanilang costumes, kitang-kita kung gaano kaganda at ka-sexy ang kanilang mga katawan.
Nag-react naman ang netizens at tinawag pa ang mga ito bilang 'sinaunang Sexbomb dancers.'
“Mga sinaunang Sexbomb ng Tawalisi. Ang hot nila huh,” ani @Simply_PaulG23.
“Laban laban, walang babawi,” komento ni @abbey_cayco.
Mga sinaunang sexbomb ng Tawalisi ang hot nila huh#UrdujaItinakda #MgaLihimNiUrduja https://t.co/pO6ULlMuwt
-- Paul Gutierrez (@Simply_PaulG23) February 28, 2023
Habang tumatagal ay mas lalong pinapahanga nina Sanya at Rochelle ang mga manonood.
Sa pilot episode ng mega serye, ipinakita naman ng mga aktres ang kanilang husay at angas pagdating sa fight scenes.
Samantala, sa susunod na episode, muling mapapanaginipan ni Gemma si Hara Urduja.
Ano kaya ang gustong ipabatid ni Urduja sa kaniya?
Abangan mamayang gabi sa 'Mga Lihim ni Urduja,' 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: