
Agaw-eksena sa mythical primetime mega serye na 'Mga Lihim ni Urduja' ang karakter ng Kapuso stars na sina Michelle Dee at Arra San Agustin.
Sa naturang palabas, gumaganap si Michelle bilang si Freya, ang femme fatale ng bounty hunter gang na may mahusay na combat skills.
Ginagampanan naman ni Arra ang karakter ni Valencia, isang sexy female bounty hunter na expert pagdating sa pagbabalatkayo.
Sa #UrdujaItinakda episode kagabi, ipinakita ng dalawang aktres ang kanilang fierce at sexy looks habang kinakalaban nila sina Gemma (Kylie Padilla) at Crystal (Gabbi Garcia).
Bukod sa kanilang magandang visuals, marami rin ang humanga sa kanilang ipinakitang galing pagdating sa action scene.
Para sa mga nakapanood nito, tila international action stars ang naging datingan ng dalawa.
Lakas maka international action star ni Michelle Dee.. Magaling ang dating nya, s shot na ito. Nagpaganda pa ung paglapat ng tunog, habang umaakyat sya ng hagdanan..#UrdujaItinakda
-- WhillsAraojo (@AraojoLiam) February 28, 2023
KapusoBrigade@amaya_battalion pic.twitter.com/oDq6oKGmzl
Grabii ka valencia ang galing mo!!!@arrasanagustin
-- Marjorie L. Mujar💜 (@marjorie_mujar) February 27, 2023
ARRA SAN AGUSTIN#MgaLihimNiUrduja
ArraSanAgustin As Valencia pic.twitter.com/SvJ9h2zFJA
Samantala, habang tumatagal ay mas titindi pa ang tagisan sa pagitan ng Team Urduja at Bounty Hunters.
Kanino kaya mapupunta ang mga nawawalang hiyas ni Urduja?
Abangan sa mythical primetime mega serye na 'Mga Lihim ni Urduja,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
SILIPIN ANG HIGHLIGHTS MULA SA MEDIA CONFERENCE NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: