GMA Logo Baby Kitty, Jay Cayabyab, Sanya Lopez
What's on TV

Netizens flex their Urduja-inspired costumes

By Abbygael Hilario
Published March 3, 2023 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Missing bride-to-be na si Sherra de Juan, sa Pangasinan nakita
Bentahan ng paputok sa Dagupan City, bente kwatro oras na | One North Central Luzon
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Baby Kitty, Jay Cayabyab, Sanya Lopez


The Urduja fever is on!

Mapabata man o matanda ay talagang nahuhumaling sa ganda ni Hara Urduja!

Sa social media, iba't ibang gimik ang ginawa ng netizens para ipakita ang kanilang suporta sa karakter ni Sanya Lopez sa mega serye na Mga Lihim ni Urduja.

Unang nakapukaw sa atensyon ng Kapuso actress ang cute na polymer clay version ni Urduja na ibinahagi ni @wah_thoughts sa Twitter.

“Omg!!! Ang cuteeee!!!!” komento ni Sanya.

Mayroon ding nag-ala hara habang suot ang kanilang Urduja-inspired costumes!

Ang mommy na si Dhelnor Ibita-Asis, naisipang ipagdiwang ang ika-limang buwan ng kaniyang baby na si Kitty sa pamamagitan ng isang Urduja-themed photoshoot.

A post shared by Dhelnor Ibita-Asis (@kwynsmom)

Todo effort naman ang netizen na si Jay Cayabyab!

Hindi pa man nagsisimula ang naturang serye ay naglabas na ito ng mga litrato habang suot ang mga hiyas ni Urduja na kaniya mismong ginawa!

Mukhang may mas malaking pasabog si Jay dahil ayon sa kaniyang Facebook post, malapit na niyang ilabas ang kaniyang mga larawan na suot ang full costume ni Urduja!

Samantala, marami naman ang naaliw sa parody video na ito ng fight scene nina Urduja (Sanya Lopez) at Dayang Salaknib (Rochelle Pangilinan).

Huwag nang magpahuli at subaybayan ang mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG IBA PANG CREATIVE FAN ARTS PARA SA MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: