
Mag-iisang buwan na nang mag-premiere ang drama fantasy series na Mga Lihim ni Urduja, pero hindi pa rin makapaniwala ang mga bida nitong sina Sanya Lopez at Kylie Padilla sa naging reaksyon ng publiko sa bago nilang serye. Hindi maitago ang saya ng dalawang Kapuso stars.
Sa interview nila sa GMA Regional TV morning show na BizTalk, ibinahagi ni Sanya, “Ako, personally, sobrang happy ako na maganda pa rin 'yung pagtanggap ng mga tao sa amin pagkatapos ng 'Maria Clara [at Ibarra]' ang daming naging interesado agad. 'Ano ba ang kwento naman ng 'Mga Lihim ni Urduja?'”
Dagdag pa nito, “Nakakatuwa na kahit 'yung mga fight scenes namin, malala dun, pero 'pag napanood naman namin na maganda 'yung bawat eksena na ipinakita dun, nakaka-happy.”
Natutuwa rin si Kylie sa naging reaksyon ng mga manonood sa kanilang serye at ayon sa kanya, ay “minamahal po namin talaga 'yung project.”
“Palagi kong sinasabi 'to, 'Pag minahal na rin ng mga nanonood, bonus na lang 'yun' kasi on set, nag-eenjoy din kami,” sabi nito.
Dagdag ni Kylie, “Ako, personally, gustong-gusto ko talaga 'yung kwento kasi women empowerment siya tsaka andaming facet.”
Ginagamapan ni Sanya ang role ng warrior-princess na si Hara Urduja, samantalang ang role ni Kylie ay ng rookie cop na si Gem Davino.
Sa nakraang episode, nagamit na rin sa wakas ni Kylie and dalawa sa pitong mga hiyas ni Urduja kaya't hindi nito napigilan tanungin si Sanya kung kamusta ang pakikipag-laban habang suot ang lahat ng hiyas.
Ang sagot ni Sanya, “Actually, hindi siya ganun ka-comfy pag suot mo siya.
Paliwanag nito, “Kasi may nagko-control dito (ankles) so pag sisipa ako, kailangan ko i-adjust muna siya bago ako sumipa kasi nako-control 'yung dito (instep) niya, so hindi ka makasipa nang maayos. Pag hindi siya naging ok, puwede kang ma-injure.”
Sa naunang interview ng mga castmates nila na sina Arra San Agustin, Michelle Dee, at Vin Abrenica, sinabi naman ni Arra na hindi sila pinapabayaan ng mga fight directors nila.
Dagdag pa ni Michelle, “Ina-assess talaga nila 'yung strengths and weaknessess namin, tapos 'yun 'yung kino-choreo nila towards us. 'Ano ba'ng kaya mo? Ano ba'ng mas prefer mo?' para mas maganda tingnan sa mga action scenes din namin.”
TIGNAN ANG MGA POSITIVE FEEDBACK NA NATANGGAP NG 'mGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: