
Patuloy pa rin ang pagkalap nina Gemma Davino (Kylie Padilla) at Crystal Posadas (Gabbi Garcia) ng impormasyon tungkol kay Iris Dayanghirang a.k.a. Ruby Diamante (Sunshine Dizon)! Kasabay ng paghahanap nila sa mga nawawalang hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez) ay unti-unti rin nilang nabubuo ang kanilang totoong pagkatao!
Sa #UrdujaSiklab episode kagabi, kinompronta ni Gemma ang kaniyang mga magulang at nalaman niya na matalik na kaibigan ng mga ito si Iris. Nagkaroon din siya ng kutob na maaaring may alam ang kaniyang mga magulang tungkol sa ina ni Crystal.
Samantala, sa susunod na episode ay madidiskubre na ni Gemma na may malubhang sakit si Crystal!
Mabibigyang linaw na rin ang totoong nangyari kay Iris Dayanghirang!
Ano kaya ang gagawin ni Gemma ngayong alam na niya na may matinding pinagdadaanan ang kaniyang kaibigan?
Totoo kayang parte si Iris ng isang sindikato? Bakit niya iniwan ang kaniyang mga anak?
Abangan ang mga rebelasyon mamaya sa 'Mga Lihim ni Urduja,' 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: