GMA Logo Sanya Lopez Gabbi Garcia Jeric Gonzales at Vin Abrenica
What's on TV

'Mga Lihim ni Urduja' cast, sinorpresa ang mga Kapuso sa isang terminal sa Parañaque

By Abbygael Hilario
Published April 2, 2023 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 16, 2025 [HD]
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez Gabbi Garcia Jeric Gonzales at Vin Abrenica


Nagulat ang ilang commuters sa Parañaque Integrated Terminal Exchange nang biglang dumating ang cast ng 'Mga Lihim ni Urduja.'

Sinorpresa ng cast ng Mga Lihim ni Urduja na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Jeric Gonzales at Vin Abrenica ang commuters sa Parañaque Integrated Terminal Exchange noong Biyernes, March 31.

Sa videos na ibinahagi ng GMA Network sa Instagram, makikitang nagulat at nagkagulo ang mga tao sa biglaang pagbisita ng Kapuso stars.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Mapapanood din sa naturang video ang pagindak ni Hara Urduja (Sanya Lopez) sa sayaw ng Tawalisi kasama ang ilang mga Kinalakian.

“HARA URDUJA GOES TO PITX."

S"inorpresa nina #MgaLihimNiUrduja stars Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Jeric Gonzales, and Vin Abrenica ang mga Kapuso sa Parañaque Intergrated Terminal Exchange ngayong gabi!” ani ng GMA Network sa kanilang caption.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Samantala, subaybayan ang mythical primetime mega serye na Mga Lihim ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: