GMA Logo Rocco Nacino
What's on TV

Rocco Nacino, mapapanood na sa 'Mommy Dearest'

By Kristian Eric Javier
Published May 20, 2025 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UN completes investigation into ICC prosecutor Khan's alleged sexual misconduct
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Isang bagong karakter ang papasok sa 'Mommy Dearest' at ito ay gagampanan ni Rocco Nacino.

Mapapanood na si Kapuso actor Rocco Nacino sa hit Afternoon Prime series na Mommy Dearest.

Gaganap ang Kapuso actor bilang si Logan na ayon kay Rocco ay handang tumulong sa isa sa mga karakter na magkakaroon umano ng matinding pangangailangan. Ngunit ang pagtulong na gagawin ng kaniyang karakter tila magiging obsessive.

Sa panayam kay Rocco ng GMANetwork.com sa naganap na Kapuso Mall Show noong March 30, nagbigay ang aktor ng kaunting teaser tungkol kay Logan.

“Ngayon, ang character ko bilang si Logan, papasok sa isang time kung saan kailangan na kailangan ako ng isang character nila at maiintindihan ng mga tao kung bakit gagawin niya 'yung mga gagawin niya,” sabi ni Rocco.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye o background story si Rocco, at sinabing mas mabuting mapanood ang Mommy Dearest para makilala pa si Logan.

“It's a very playful character kaya sa itsura pa lang, matutuwa na ang mga Kapuso natin,” dagdag ng aktor.

BALIKAN ANG PAGPAPASAYA NG 'MOMMY DEAREST' CAST SA MGA KAPUSO SA NAGANAP NA GMA DRAMA MALL SHOW SA MANILA SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na nag-umpisa si Rocco sa entertainment industry nang sumali at makuha niya ang titulong Second Prince sa 5th season ng artista search na StarStruck. Gaya niya ay nanggaling din ang co-stars niyang sina Katrina Halili at Dion Ignacio sa season 1 ng naturang artista search, habang sa season 7 naman si Shayne Sava.

Kaya naman, nang tanungin siya kung kumusta makatrabaho ang kapwa StarStruck graduates, sinabi ni Rocco na masaya siya.

“Well, kapag mga Kapuso kayo, GMA Artists, para kaming mga pamilya e. Para kaming isang buong pamilya. Pero 'pag nagsama-sama ang mga graduates ng StarStruck, mas malalim ang samahan namin, kahit mapaibang batch 'yan. May mga inside jokes kami so it's fun,” sabi ng aktor.

Sa huli ay binati ni Rocco ang success ng programa, at sinabing masayang-masaya siya maging parte ng Mommy Dearest.

Patuloy na subaybayan ang Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.