GMA Logo Emma, Mookie, Mommy Dearest
Source: Mommy Dearest, gmanetwork/YT
What's on TV

Mommy Dearest: Emma, Mookie magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay

By Kristian Eric Javier
Published May 26, 2025 9:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Backstreet Boys drop 2025 version of 'I Want It That Way' music video
P500,000 cash, jewelry lost to burglars in mall in Pavia, Iloilo
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative

Article Inside Page


Showbiz News

Emma, Mookie, Mommy Dearest


May malaking pagbabago na magaganap kina Emma aat Mookie!

Magkakaroon ng malaking pagbabago sa mga buhay nina Emma (Katrina Halili) at Mookie (Shayne Sava) sa hit Afternoon Prime series na Mommy Dearest.

Nakatakas na sa wakas si Emma sa mental institution kung saan siya naka-confine at sa tulong ni Logan (Rocco Nacino). Ngunit sa kagustuhan ni Emma na makitang muli ang kaniyang pamilya, tinakasan niya Logan.

Sa pagbabalik ni Emma sa kaniyang pamilya ay nakita niyang nag-propose ng kasal si Olive, sa katauhan ni Jade (Camille Prats) kay Danilo (Dion Ignacio). Dahil nasaktan ay hindi na siya tumuloy na magpakita sa kaniyang pamilya at muli siyang sasama kay Logan.

Ayon kay Logan ay may magagawa si Emma para paghigantihan ang kaniyang asawa at maging si Jade na sumira ng kaniyang pamilya. Dito, ipinangako ni Logan na tutulungan niya sa paghihiganti niya si Emma.

TINGNAN ANG ILAN SA PRETTIEST LOOKS NI 'MOMMY DEAREST' STAR SHAYNE SAVA SA GALLERY NA ITO:

Samantala, matapos makatakas ni Emma mula sa mental institution, pinaniwala ni Jade sina Danilo at Mookie na ayaw na silang makita pa ni Emma. Nung una ay hindi ito matanggap ni Mookie, ngunit dahil sa mga sinabi ni Jade ay napaniwala rin siya nito.

Dahil din sa matagal na panahong wala si Emma at si Jade ang tumayong nanay niya ay tinanggap na rin ni Mookie ang plano ni Danilo at Jade na magpakasal. Sa katunayan, sa muling pagbisita ni Ligaya (Amy Austria), pinagtanggol pa niya si Jade mula dito.

Dahil sa sakit na kanilang naramdaman at hinarap, may malaking pagbabago na mangyayari kina Emma at Mookie.

Abangan ang pagbabagong ito sa Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.