
Nagsimula na ang laban at paghihiganti ni Emma (Katrina Halili) kina Jade (Camille Prats) at Danilo (Dion Ignacio) sa Mommy Dearest!
Matatandaan na naging puspusan ang paghahanda ni Emma para sa kaniyang pagbabalik. Sa tulong ni Logan (Rocco Nacino) ay inaral niya ang lahat magmula sa business, sa pagiging isang boss, hanggang sa pagtatanggol ng kaniyang sarili.
Kaya naman, nang mabigyan na sila ng pagkakataon na i-host ang party ng Artemis Pharmacy, ang parehong kumpanya na pag-aari ng pamilya nina Jade, ay nagsimula na silang kumilos.
Sa naturang party, ilang ulit nagpakita si Emma ng nakabalatkayo kay Danilo. Sa isang pagkakataon ay ginamit rin niya ang pabango na kilalang-kilala nito para maakit siya.
Gamit ang isang gamot ay na-distract nina Logan, Emma, at ng iba pa nilang kasama si Jade. Ito rin ang nagbigay ng pagkakataon kay Emma para lapitan si Danilo. Sa kanilang pag-uusap, nalaman ni Emma ang totoo: na akala ni Danilo ay sumama na siya sa ibang lalaki.
Para tuluyang maakit ang kaniyang asawa, inaya ni Emma si Danilo na sumayaw. Ikinagulat naman nito ang dance steps na ginawa ni Emma dahil ito rin ang ginamit nila noon sa isang kasiyahan kaya't pamilyar ang lahat kay Danilo.
Ilang sandali pa ay nakabalik na si Jade at nakitang nagsasayaw si Danilo kasama ang isang babae na hindi niya kilala. Susugurin na sana niya ito nang pigilan siya ni Logan, at pinilit siyang sumayaw habang iniinis ito.
MULING KILALANIN ANG MGA BIDA NG 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO:
Nang makita ni Emma na nakatingin na sa kanila si Jade, sinubukan niyang halikan si Danilo, ngunit pinigilan siya ni Jade ang nagsimula silang mag-away. Sinubukan din ni Logan na pigilan ang dalawang babae, ngunit nagmitsa lang ito ng galit mula kay Danilo. Dahil dito ay nagkasuntukan pa ang dalawang lalaki.
Nakatakas man si Emma ay hindi pa rin tumigil si Jade hanggang sa maabutan niya ito at sa wakas ay makita niya kung sino talaga ang babaeng hinahabol niya. Gamit ang mga turo ni Logan, muling nakatakas si Emma ngunit sa sumunod na pagkakataon na abutan ni Jade ang babae ngunit ang inaakala niyang si Emma, ibang tao pala.
Nagmumulto nga lang ba si Emma kay Jade? At ang babaeng nakita ni Danilo sa labas, si Emma nga ba ito, o dala lang ito ng kaniyang emosyon?
Abangan ang Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.