Behind-the-scenes of 'Mommy Dearest' photo shoot

Simula February 23, mapapanood na ang pinakabagong GMA Afternoon Prime series sa GMA Afternoon Prime na Mommy Dearest.
Dito ay muling magsasama sina Camille Prats at Shayne Sava, na dating nagkatrabaho sa teledramang 'AraBella.' Reunion din ito na StarStruck alumna at mentor na si Katrina Halili at angmentee niyang Shayne.
Makakasama rin nila dito sina Dion Ignacio, Prince Carlos, Winwyn Marquez, at Amy Austria
Bukod sa drama ay siguradong mapupuno rin ng komedya ang serye dahil kina Mel Martinez, Riel Lomadilla, at Viveika Ravanes.
Kamakailan lang ay isinagawa ang isang photoshoot para sa Mommy Dearest. Tingnan sa gallery na ito ang ilang mga pangyayari sa likod ng kamera:




















