GMA Logo Mr Merman
What's on TV

Mr. Merman: Jake at Daisy, magkasama sa iisang bubong?

By EJ Chua
Published November 10, 2021 6:02 PM PHT
Updated November 10, 2021 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Mr Merman


Handa nga ba sina Jake at Daisy sa panibagong setup at panibagong adjustments habang nasa iisang bubong?

#TrustIssue is real!

Nagtagumpay man si Daisy sa kanyang mga alibi tungkol sa biglaan niyang pagkawala, hindi pa rin tumitigil ang kanyang kaibigan sa pagbabantay sa kanya tulad ng ginagawa ni Jake.

Hindi naging maganda ang mga eksena sa unang pagtatagpo ng merman na si Jake at ang kaibigan ni Daisy na si Edward.

At dahil hindi na mapakali, agad na nagpasya si Jake na manirahan sa bahay ni Daisy, upang mas mabantayan niya ang mga kilos nito.

Sobrang nakokonsensya si Jake sa nangyari kay Daisy kaya naman gusto niyang ingatan ito pati na rin ang sikreto ng dalaga.

Habang seryosong nag-uusap tungkol sa tiwala sa isa't isa at sa pagbabantay ni Jake kay Daisy, nagulat ang dalaga nang biglang dumating si Edward.

Kasama ni Edward ang dalawang kasambahay na dapat sana ay makakatulong ni Daisy sa paglilinis ng kanyang bahay.

Sa gitna ng pag-uusap, natunugan na ni Jake na tila malalim na ang pagtingin ni Edward sa dalaga.

Kaya naman, agad na itong lumabas ng bahay upang ipaalam kay Edward na siya na ang magiging kasama ni Daisy sa bahay nito.

Lubos namang nagulat ang binata sa sinabi ni Jake at agad niyang kinompronta si Daisy tungkol dito.

Paano makakapag-adjust si Daisy sa kanyang bagong buhay?

Nagkakaselosan na nga ba sa pagitan nina Jake, Daisy at Edward?

Abangan ang mas komplikadong mga sitwasyon sa buhay ng humans at mga merman sa 'Mr. Merman,' Lunes hanggang Biyernes, 2:45 pm sa GTV!

Samantala, kilalanin ang 'Mr. Merman' love teams sa gallery na ito: