GMA Logo Mr Merman
What's on TV

Mr. Merman: Ang huling linggo sa mundo ng mga merman at mga mortal

By EJ Chua
Published December 7, 2021 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beloved local coffee shop finds new home in a cozy standalone café in BGC
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants
Multicab falls into ravine in Ayungon, Negros Or; 8 dead

Article Inside Page


Showbiz News

Mr Merman


Patuloy nga bang susubukin ang pag-iibigan ng mga merman at mga mortal? Alamin sa 'Mr. Merman.'

Sa huling linggo ng Thai fantasy drama series na Mr. Merman, iba't ibang pagsubok pa ang naghihintay para sa mga merman at mga mortal.

Habang nahuhulog ang loob ni Jake kay Daisy, ilang beses pang masusubukan ang pagpapahalaga niya rito.

Sa loob ng matagal na pagsasama sa isang bahay, tila komportable na sina Jake at Daisy sa isa't isa.

Kung noon ay ang sikreto tungkol sa pagiging sireno at sirena lang ang iniingatan nina Jake at Daisy, ngayon ay pati puso ng isa't isa ang iniingatan nila.

Samantalang sina Leo at Aurora naman, mas nakikilala pa ang isa't isa dahil sa old memories na nag-uugnay sa kanilang dalawa.

Ang chill couple naman na sina Lara at Jason, tila go with the flow lang sa mga pangyayari.

Habang abala ang mga merman at mga mortal sa kanilang love stories, isang pangyayari ang lubos na makakapagpahinto sa kanilang kasiyahan.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, mayroong makakaalam sa sikreto ni Daisy.

Kasunod nito, malalagay sa peligro ang kanyang buhay.

Mabubunyag na rin ba ang sikreto ng mga merman?

Ano ang gagawin ni Jake para maprotektahan ang iniibig na si Daisy?

Huwag palampasin ang huling linggo ng hit Thai fantasy drama series na kinakikiligan ngayon ng mga Kapuso!

Abangan kung ano pa ang mangyayari sa love story nina Jake at Daisy sa 'Mr. Merman,' Lunes hanggang Biyernes, 2:45 pm sa GTV!

Samantala, kilalanin ang Mr. Merman love teams sa gallery na ito:

Panoorin ang Mr. Merman at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.