EXCLUSIVE: Bakit kinuha si Ms. Regine Velasquez-Alcasid sa 'Mulawin VS Ravena?'
May mga naririnig na biro si Ms. Regine Velasquez-Alcasid tungkol sa? pagiging parte niya sa higanteng telefantasya na Mulawin VS Ravena. Sabi nila, kaya raw kinuha ang singer-actress ay dahil isa na siyang ibon noon pa man dahil siya ang tinaguriang Asia's Songbird.
Agad naman daw niyang sinakyan ang birong ito. "Oo nga, sa akin nga galing ang mga Mulawin eh. Hahahaha! Kaya nga nila ako kinuha," natatawang reaksyon ni Regine.
Pero ayon kay Regine, sobrang natutuwa siya dahil magiging parte siya ng biggest Kapuso project ngayong taon. "I'm very happy to be part of this project. Maganda 'yung role, isa akong diyosa," saad niya.
Dagdag pa niya, excited daw siya dahil ito ang kanyang kauna-unahang telefantasya at isang malaking challenge raw ito sa kanya. Aniya, "Medyo na-stress din ako kasi serious [ang character ko rito], hindi ako puwedeng mag-comedy. Pero so far, it (her portrayal) has been fine."
Abangan ang role ni Regine bilang si Sandawa sa Mulawin VS Ravena, ngayong May 22 na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON MULAWIN VS RAVENA:
Mulawin VS Ravena Teaser: Ang bagong maghahari sa himpapawid
Social media erupts with the release of 'Mulawin VS Ravena' teaser