What's on TV

WATCH: Bianca Umali, puspusan ang paghahanda sa dream role na Lawiswis sa 'Mulawin VS Ravena'

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 15, 2017 4:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Busy sa gym ang Kapuso star para makamit ang kinakailangan lakas ng kanyang karakter.
 

LAWISWIS ????

A post shared by Bianca Umali (@bianxumali) on


Dream come true para kay Kapuso teen star Bianca Umali na magampanan ang role ni Lawiswis sa 2017 sequel na Mulawin VS Ravena mula sa patok na telefantasya noong 2004.

“’Yung pagiging isang Mulawin [is] a deam role talaga siya for me. Ang Mulawin [ay] costume ko talaga siya every Halloween. Ginusto ko talaga maging Mulawin kasi inaabangan ko siya dati,” kuwento ng 17-year-old actress sa Unang Hirit.

Ibang Bianca raw ang mapapanood sa upcoming fantasy series kaya puspusan na ang kanyang paghahanda sa paglipad ng kanyang gagampanang karakter. Ang ka-love team niyang si Miguel Tanfelix na dati nang gumanap bilang si Pagaspas ang gumagabay sa kanya, “Gina-guide niya ako kung ano ang culture ng mga Mulawin.”

Busy sa gym ang Kapuso star para makamit ang kinakailangan lakas ng kanyang karakter. “Focused ako dito ngayon sa pagwo-workout. I am on no sugar [for] almost four months, and it’s super hard for me ‘cause I have a sweet tooth since sobra talaga ‘yung commitment ko for my character.”

“Metabolic conditioning” daw ang kanyang workout sa gym tulad ng gymnastics, weightlifting, and circuit training, “More on strengthening kami [kasi] ‘yung habol ko [ay] ‘yung strength na mage-gain ko.”

Excited na ang young actress na mapanood ang show ngayong May 22 sa GMA Telebabad, “Sa wakas, malapit nang makita ng mga tao ‘yung masterpiece na ginagawa namin.”

MORE ON BIANCA UMALI:

READ: ‘Mulawin VS Ravena’ star Miguel Tanfelix on Bianca Umali as the new Lawiswis: “Bagay ang ganda niya”

LOOK: Bianca Umali, Rodjun Cruz and Marco Alcaraz plank tower 

LOOK: Bianca Umali, dressed as a Mulawin in 2007 

Photos by: @bianxumali(IG)