
Simula ngayong gabi, maghahari na sa himpapawid ang Mulawin VS Ravena. Marami ang nagtataka dahil wala sa sequel ng higanteng telefantasya ang iconic character ni Aguiluz. Kaya naman sa pilot episode teaser ng Kapuso show, sinagot agad ang mga katanungan ng viewers.
"Matagal nang patay si Aguiluz," 'yan ang sinambit ng role ni Dennis Trillo na si Gabriel.
Abangan ang simula ng Mulawin VS Ravena, ngayong gabi na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.