
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena, malalaman na ni Reyna Rashana na isang Mulawin si Wak at ipapapatay niya ito.
Matatandaang noong mangitlog si Rashana, inilagay ni Gabriel ang isa pang itlog sa tabi ng kanilang anak at pinalabas na dalawa ang anak ng reyna ng mga Ravena. Si Wak ay anak nina Alwina at Gabriel kaya't ang kanyang hitsura ay isang Mulawin. Ngayong alam na ni Rashana ang lihim ng hari ng Halconia, nais niyang kitilin ang buhay ni Wak. Katapusan na ba ng buhay ng Mulawin? Paano siya maililigtas ng kanyang ama na nasa Tierra Fuego?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.