
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena, sasabihin ni Consuelo kay Alwina na magpakilala na siya kay Almiro at ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.
Matatandaang pinutol ni Alwina ang ugatpak ni Almiro noong bata pa lamang ito upang hindi siya matunton ng mga Ravena. Kapag wala na ang ugatpak ng mga Mulawin, mawawala na rin ang kanilang mga alaala. Ngayong malaki na si Almiro at nasa panganib ang kanyang buhay dahil kay Gabriel, nararapat na bang malaman niyang isa siyang Mulawin?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.