TV

MUST-READ: Netizens, kinilig sa kissing scene ng BiGuel sa 'Mulawin VS Ravena'

By Al Kendrick Noguera

Isang sorpresa ang inihandog ng Mulawin VS Ravena sa viewers kagabi, July 5, dahil wala silang kaalam-alam na mayroong kissing scene ang Kapuso love team na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa iconic GMA telefantasya.

Sa istorya ng GMA Telebabad soap, nakatakas si Lawiswis sa Halconia at muli silang nagkita ni Pagaspas. Sa kanilang paghaharap, nangyari na ang hindi inaasahan ng mga manonood, ang nakakakilig na kiss ng tinaguriang love birds ng Mulawin VS Ravena.

Narito ang ilang tweets ng netizens na hindi napigilang kiligin sa kanilang napanood sa higanteng telefantasya.

 

 

 

 

 

 

 

Napanood ba ninyo ang pinag-uusapang kissing scene? Narito ang episode highlights ng Mulawin VS Ravena.