
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena, si Anya naman ang pagtatalunan nina Almiro at Rafael.
Matatandaang nagkaroon ng utang na loob si Rafael kay Anya nang minsang iligtas ng Mulawin ang kanyang buhay habang nasa Halconia. Sinuklian ito ni Rafael matapos niya ring sagipin si Anya habang nakikipaglaban noon sa Minokawa. Ngayong lumalalim na ang pagtitinginan nina Almiro at Anya, napapalapit na rin ba ang puso ni Rafael sa Mulawin?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.