Article Inside Page
Showbiz News
May certain feel na gustong ma-achieve si Direk Joyce sa pinakabago niyang project, ang GMA Telebabad series na 'My Destiny'. Alamin kung ano nito.
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Ilang Kapuso shows na rin ang nai-direct ni Bb. Joyce Bernal, kabilang na ang
Marimar, Stairway to Heaven, I Heart You, Pare!, Genesis at
Paraiso Ko'y Ikaw. Ang latest project niya ay ang primetime series na
My Destiny, na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Rhian Ramos, Sid Lucero, and Ms. Lorna Tolentino.
May certain feel na gustong ma-achieve si Direk Joyce sa pinakabago niyang project. "?Tina-try namin na maging pelikula 'yung feel niya. Even 'yung takbo ng story, hindi siya ganun ka-traditional. Ginagawa namin siya na parang Koreanovela."
Aniya, siguradong mamahalin ng televiewers ang characters ng programa dahil makaka-relate sila sa bawat isa.
"You are going to fall in love with the characters first, and then mahu-hurt ka kasi aalisin namin sila. Parang mamahalin mo, and then bigla silang mawawala. 'Yung heartache nandoon. Hindi lang ikaw ang masasaktan, at hindi lang ikaw ang magkakaroon ng struggle kung kanino, para kanino ka at sino 'yung destiny mo. Hindi lang ikaw ang magkakaroon ng struggle kung ano ba talaga ang destiny para sa 'yo."
When asked about the biggest challenge in directing this teleserye, Direk Joyce admits it working with actors who came from traditional soap operas. "Paano mo sila babaliin at paano mo sila ibabalik doon sa talagang napaka-organic na pagpapakilig, 'yung galing sa kanila. 'Yun 'yung mga kailangang ayusin at tatrabahuin pa namin."
Gayunpaman, looking forward siya sa magiging onscreen chemistry ng kanyang mga artista. "Nae-excite ako sa composition of actors. Nae-excite ako to see them together, how they will act together, how to make the scene more lively, more energetic, and more organic."