
Sa pilot episode ng weekly anthology na My Fantastic Pag-ibig na eere na ngayong January 30. masayang masaya ang Kapuso actress na si Divine na mapabilang sa cast nito kasama ang StarStruck graduates na sina Kim De Leon at Lexi Gonzales with Rodjun Cruz.
Aniya, “Hindi talaga biro mag-shoot sa new normal. Kailangan naming mag-adjust sa changes pero sobrang saya namin. Naniniwala akong sa sobrang saya namin sa set, maita-translate
ito sa mapapanuod niyong episode namin! Sobrang excited ako mag work sa taping namin. Ika nga, kung may balik-alindog, ito naman ay balik-puhunan-sa-2021!
“I play Freya - isang strong Filipina woman! She knows what she wants, pinatatag siya ng mga pinagdaanan nyang hamon sa buhay at hindi na siya muling magpapagapi sa pwersa ng mga
Espanyol! Kung bakit yan ang sinabi ko ay dapat abangan n'yong lahat!” natatawang sinabi ni Divine.
First-time din ni Divine maging love interest ang Kapuso hunk na si Rodjun Cruz.
When asked how she felt working with Rodjun, kinikilig na sinabi ni Divine, “Naalala ko si
Rodjun dati pinapanood ko lang siya sa boy group nila yung Anim-e! Pak millennials reprezent! Ngayon kaeksena ko na sya, I feel privileged. He is such a performer at sa set nagti-TIKTOK pa kami. Ang saya!”
Nakilala si Divine bilang isang Kapuso actress-comedienne na laging nakaka-love team ay mga handsome hunks tulad nina Jeric Gonzales, Jak Roberto, Lucho Ayala, Dave Bornea, Joshua Dionisio at iba pa sa mga Kapuso seryes and anthologies.
Nang aming tanungin kung ano ang masasabi niya dito, she replied, “Ipinagpapasa-Diyos ko na lang talaga 'yan! Teka, aarte pa ba ako? Happy ako na tumupad sa pangarap ng sangkabaklaan at kababaihan. Feeling ko at sure na sure ako na 'yun talaga ang misyon ko sa buhay!” pagtatapos ni Divine.
Mula sa direksyon ni Michael Christian Cardoz, abangan ang fantasy-romcom series na handa nang maghatid ng magic, saya, at kilig sa inyo simula January 30 sa GMA News TV.