GMA Logo Yasser Marta at Alex Diaz
What's on TV

Yasser Marta, Alex Diaz magtatambal sa 'My Fantastic Pag-ibig presents: Fairy Tail Romance!'

By Dianara Alegre
Published March 8, 2021 1:07 PM PHT
Updated March 11, 2021 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Yasser Marta at Alex Diaz


Love knows no gender nga ba talaga? Abangan sina Yasser Marta at Alex Diaz sa 'My Fantastic Pag-ibig presents: Fairy Tail Romance!'

Sa unang pagkakataon ay magtatambal sina Kapuso star Yasser Marta at aktor na si Alex Diaz sa ikaapat na installment ng romance-fantasy series na 'My Fantastic Pag-ibig.'

Tampok sila sa two-part weekly series na “Fairy Tail Romance” na tungkol sa pag-iibigan ng isang sireno at isang mortal.

Si Alex Diaz ang gaganap bilang si Lantis, isang sireno, habang si Yasser si Nep, ang lalaking bibighani sa puso ng una.

Yasser Marta at Alex Diaz

Source: My Fantastic Pag-ibig

Kahit isang sireno si Lantis, hindi niya maipagkakailang nabighani siya kay Nep na isang mortal. Ngunit sa halip na ipagwalang-bahala ito dahil magkaiba ang mundong kanilang ginagalawan, gagawin pa niya ang lahat ng makakaya para lang mapalapit sa binata.

Noong una ay kuntento lang si Lantis na mahalin sa malayo si Nep hanggang sa mabago ito mula nang mailigtas niya ang huli sa pagkalunod.

Sa pagkakasagip niyang iyon ay mas nag-alab ang nararamdaman ni Lantis para kay Nep. Ang dating tinitingnan lamang niya sa malayo ay nahawakan at nakasama na niya kahit sa saglit na panahon lamang.

Dahil sa kagustuhang mapansin ng binata ay hahanap siya ng paraan para mapalapit dito. Pero paano gayung isa siyang sireno at isang tao ang kanyang iniibig?

Mabibigyan kaya siya ng pagkakataong makapiling si Nep?

Yasser Marta at Alex Diaz

Source: My Fantastic Pag-ibig

Samantala, bukod kina Yasser at Alex, tampok din sa mini-series sina Jo Berry bilang si Kabibabe, Cecil Paz at Skelly Clarkson.

Mapapanood ang My Fantastic Pag-ibig Presents: Fairy Tail Romance sa March 13 at 20, tuwing Sabado, 7:45 pm sa GTV.