GMA Logo My Fantastic Pag-ibig: The Lucky One
What's on TV

Therese Malvar at Elijah Canlas, mapapanood sa 'My Fantastic Pag-ibig: The Lucky One'

By Maine Aquino
Published July 14, 2021 4:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

My Fantastic Pag-ibig: The Lucky One


Abangan ang bagong kuwentong puno ng kilig sa 'My Fantastic Pag-ibig' na pagbibidahan nina Therese Malvar at Elijah Canlas.

Ngayong July 17, panibagong kilig story ang mapapanood natin sa My Fantastic Pag-ibig.

Sa Sabado ay mapapanood ang The Lucky One kung saan bibida ang kuwento ni Wendy (Therese Malvar) at ang kaniyang secret admirer na isang duwende na si Dwayne (Elijah Canlas).

Therese Malvar and Elijah Canlas

Photo source: @theresemalvar/ @elijahcanlas

Ang kuwento na mapapanood ngayong ay tungkol sa pag-uwi ni Wendy sa probinsya dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama. Ang pag-uwi niyang ito ay para rin tulungan ang kanyang Ate Emily (Mel Kimura) sa kanilang bakery.

Dito madidiskubre ni Wendy ang kaniyang natatagong baking skills. At isang secret admirer rin ang kaniyang makikilala.

Ano ang mangyayari kapag nakaharap ni Wendy ang admirer na duwende na si Dwayne?

Abangan ang istorya sa My Fantastic Pag-ibig: The Lucky One ngayong Sabado ng gabi, July 17, sa bago nitong timeslot na 7:15 PM sa GTV!

My Fantastic Pag-ibig: Ang paghaharap nina Buboi at Dra. Damon