
Magkakaharap ang dalagang si Wendy (Therese Malvar) at ang kaniyang duwendeng secret admirer na si Dwayne (Elijah Canlas) sa My Fantastic Pag-ibig: The Lucky One.
Nitong July 17, ibinahagi ang kuwento ni Wendy na umuwi sa kanilang probinsya para tulungan ang kapatid na si Emily (Mel Kimura). Dito, madidiskubre ni Wendy ang kaniyang nakatagong baking skills.
Photo source: My Fantastic Pag-ibig
Sa pagbabalik niya sa kanilang tahanan, makakakilala si Wendy ng mga bagong kaibigan. Ito ay ang duwendeng sina Dwayne at Fino (Kaloy Tingcungco).
Si Dwayne, may matagal nang pagtingin kay Wendy. Maipakita niya kaya ang tunay na nararamdaman para kay Wendy?
Abangan ang susunod na bahagi ng My Fantastic Pag-ibig: The Lucky One ngayong July 24, 7:15 p.m. sa GTV.
My Fantastic Pag-ibig: Ang paghaharap nina Buboi at Dra. Damon