
Mapapanood ang tambalan nina Anna Vicente at Dave Bornea sa bagong episode ng My Fantastic Pag-ibig.
Sa kuwento ng My Fantastic Pag-ibig: The Sacrifice, mapapanood natin si Anna bilang si Gabby. Si Gabby ay nangangarap na magkaroon ng buo at masayang pamilya at gagawin niya ang lahat para makuha ang blessing ng pamilya ng boyfriend na si Nathan. Ang karakter naman ni Nathan ay ang gagampanan ni Dave.
Photo credit: @itsannavicente/ @davebornea23
Matupad pa kaya ang pangarap ni Gabby kapag nalaman niya ang sikreto ng pamilya ni Nathan? Kaya niya kayang tuparin ang kahilingan ng mga ito?
Abangan ang exciting na istorya ng My Fantastic Pag-ibig: The Sacrifice ngayong Sabado, 7:05 p.m. sa GTV.
'My Fantastic Pag-ibig': Ashley at Wanggo, magiging malapit na sa isa't isa?