
Ngayong October 16, mapapanood natin ang tambalang Pauline Mendoza at Manolo Pedrosa sa bagong kuwento ng My Fantastic Pag-ibig.
Sa episode na ito, mapapanood ang kuwento ng isang writer na mapupunta sa mundo na kaniyang isinulat.
Ang My Fantastic Pag-ibig: Sakalam ay tungkol sa isang writer na lumaki sa isang broken family. Sa pagsusulat ng graphic novel na tungkol sa ideal couple niya ibinuhos ang oras.
Photo source: @manolopedrosa/ @paulinemendoza_
Dahil sa isang pangyayari ay makakarating siya sa mundong kaniyang isinulat. Makikilala ba siya ng mga characters na ginawa niya? Ano ang mangyayari sa kaniya sa mundong ito?
Makakasama nina Pauline at Manolo sa My Fantastic Pag-ibig: Sakalam sina Tina Paner, Faith Da Silva, Angela Alarcon, at Joshua Bulot.
Abangan ang pagsisimula ng bagong istorya ng My Fantastic Pag-ibig ngayong October 16, 7:05 pm sa GTV.
My Fantastic Pag-ibig: Ang paghaharap nina Nathan at Damian