
Inaabangan na ng fans nina Gabby Concepcion at Snooky Serna ang pagsasama nila sa afternoon soap na My Father's Wife na ipapalabas na sa darating na June 23, matapos ang noontime show na It's Showtime.
Gaganap si Snooky bilang si Minda, ang loyal wife ni Robert na pino-portray naman ni Gabby.
Kahapon, naglabas ang GMA Network nang ilang behind-the-scenes photos ng dalawa na kuha sa taping.
Sa panayam kay Snooky sa 24 Oras, sinabi ng seasoned actress na 'challenging' ang role niya sa My Father's Wife.'
“'Yung aking character si Minda, touch ako sa character niya and I admire the character. I'm also challenged to portray her.”
HERE'S WHAT HAPPENED DURING THE GMA AFTERNOON PRIME GRAND MEDIA DAY LAST JUNE 16