GMA Logo My Guardian Alien cast
PHOTO COURTESY: kiraycelisofficial (TikTok)
What's on TV

'My Guardian Alien' cast joins 'I am of course' trend

By Dianne Mariano
Published March 17, 2024 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

My Guardian Alien cast


Naghatid ng saya ang cast ng 'My Guardian Alien' sa netizens nang kumasa sila sa “I am… of course…” trend.

Isa sa mga patok ngayon sa online world ay ang “I am… of course…”, o ang bagong trend sa pagpapakilala.

Ilang sikat na personalidad na ang kumasa sa nasabing trend at hindi nagpahuli rito ang cast ng upcoming primetime series na My Guardian Alien.

Sa official Facebook page ni Kiray Celis, mapapanood ang “artista edition” ng “I am… of course…” trend at mayroong entry rito ang aktres pati ang kanyang co-stars na sina Marian Rivera, Gabby Concepcion, Max Collins, Raphael Landicho, Josh Ford, Christian Antolin, Tart Carlos, at Marissa Delgado.

“I'M A FILIPINO, OF COURSE ARTISTA EDITION! Ano nga ba ang ugali ng mga artista?” sulat sa caption.

Naaliw ang netizens sa masayang video ng My Guardian Alien cast at kasalukuyang mayroon itong four million views sa Facebook.

Bukod dito, naghatid ng good vibes sina Kiray at Christian nang kumasa sila sa “birthday edition” ng naturang online trend.

@kiraycelisofficial I'M A FILIPINO OFCOURSE BIRTHDAY EDITION! Ano ano nga ba ang ugaling pilipino pagdating sa handaan?! Ft. @Christian Antolin ♬ original sound - Kiray Celis

Abangan ang My Guardian Alien ngayong Abril sa GMA Prime.