GMA Logo Christian Antolin
What's on TV

Christian Antolin, itinuturing na core memory ang 'My Guardian Alien'

By Dianne Mariano
Published March 25, 2024 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Christian Antolin


Mapapanood ang content creator na si Christian Antolin sa upcoming primetime series na 'My Guardian Alien.'

Isang content creator ang mapapanood sa nalalapit na family drama series na My Guardian Alien, na pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Kabilang sa stellar cast ng nasabing serye ay ang social media star na si Christian Antolin.

Sa interview ng GMANetwork.com kay Christian, ikinuwento niyang nag-audition siya para sa kanyang role sa serye at labis ang pasasalamat niya kay Marian Rivera dahil aniya'y isa ito sa mga nag-approve sa kanya.

Ayon pa sa content creator, na-e-enjoy niya ang bonding moments kasama ang kanyang co-stars sa set at off-cam.

Aniya, “Nag-e-enjoy kami on set, lalong-lalo na kapag na off-cam kasi 'yun na 'yung moment namin na magba-bond, especially with Kiray [Celis] kasi siya talaga 'yung pinaka naging close ko from the very beginning ng taping ng My Guardian Alien.”

Itinuturing din niyang core memory ang My Guardian Alien dahil isa itong milestone para sa kanya.

“Isa ito sa mga iche-cherish kong memory. Core memory ko 'to actually kasi milestone sa akin ito, at the same time, sobrang nag-e-enjoy ako sa taping namin,” saad niya.

Inamin din ni Christian na naging challenging ang preparasyon para sa kanyang role ngunit pinag-aralan niya kung paano niya bibigyang-buhay ito.

“Sobrang ibang iba 'yung industry na pinanggalingan ko as a content creator. 'Yung preparation ko rito, emotionally, kailangan kong i-prepare 'yung sarili ko kasi iba 'yung field na gagalawan ko dito sa mainstream [media],” kuwento niya.

Dagdag pa niya, “Pinag-aralan ko po talaga kung paano ko aatakihin ['yung character ko], Gano'n din naman kasi ako pagdating sa paggawa ng content. Kailangan mami-mimic ko 'yung mga character na pino-portray ko sa paggawa ng content online and kailangan ko rin mabigyan ng hustisya kung sino 'yung character ko rito sa series.”

Huwag palampasin ang My Guardian Alien sa GMA Prime ngayong Abril.