
Patuloy na namamayagpag sa TV ratings ang pinakabagong primetime series na My Guardian Alien mula nang umere ito noong April 1.
Nakapagtala ng 11.1 percent ang pilot episode ng nasabing serye, ayon sa NUTAM People Ratings. Sa unang episode, ipinakilala ang pamilya Soriano na binubuo ng mag-asawang Katherine (Marian Rivera) at Carlos (Gabby Concepcion) at ang kanilang anak na si Doy (Raphael Landicho).
Isang trahedya ang sinapit ng kanilang pamilya dahil sa hindi inaasahang pagkamatay ni Katherine. Matatandaan na pinatay ni Minggoy (Arnold Reyes) si Katherine matapos masaksihan ng huli na binaril ng una ang kaalitan nitong kapwa magsasaka na si Berto.
Sa second episode ng serye, nakiramay sina Ceph (Gabby Eigenmann), Nova (Marissa Delgado), ang mga magsasaka, at maging si Venus (Max Collins) kina Carlos at Doy sa burol ni Katherine.
Dumating din ang mga pulis sa lamay ni Katherine at inulan si Venus ng mga katanungan tungkol sa nangyari kay Berto. Samantala, tila naging suspicious si Venus kay Nova matapos niyang masaksihan ang komprontasyon ng huli at ni Minggoy.
Umani ng 10.8 percent ang April 2 episode ng My Guardian Alien, base sa data ng NUTAM People Ratings.
INSERT AP2
PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)
Bukod dito, tumaas ang ratings ng third episode ng serye dahil nakakuha ito ng 11.2 percent.
INSERT AP3
PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)
Sa episode nito, nagulat ang mga tao nang makita ang mga lumilipad na ilaw sa kalangitan.
Isang pod naman ang bumagsak sa mausoleum, kung saan nakahimlay si Katherine, at ang nilalaman nito ay nag-transform sa anyo ng huli.
Balikan ang nakaraang episode ng My Guardian Alien sa video na ito.
Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.
Maaari ring mapanood ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.