GMA Logo Marian Rivera and Arnold Reyes
PHOTO COURTESY: GMA Network (YouTube)
What's on TV

Kinahinatnan ni Katherine sa 'My Guardian Alien,' humakot ng mahigit 1M views sa Facebook

By Dianne Mariano
Published April 5, 2024 12:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera and Arnold Reyes


Isang trahedya ang sinapit ng pamilya Soriano dahil sa hindi inaasahang pagkamatay ni Katherine (Marian Rivera).

Maraming manonood ang tumutok sa pilot episode ng pinakabagong primetime series na My Guardian Alien noong Lunes (April 1).

Katunayan, umani ng mataas na ratings ang unang episode ng seryeng pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins dahil nakapagtala ito ng 11.1 percent, ayon sa NUTAM People Ratings.

Sa Facebook ng GMA Drama, mayroong mahigit one million views ang eksena ng kinahinatnan ni Katherine (Marian Rivera) matapos siyang barilin ni Minggoy (Arnold Reyes).

Matatandaan na nasaksihan ni Katherine na mayroong kaalitan si Minggoy na kapwa magsasaka at binaril niya ito.

Nagulat si Katherine sa pagputok ng baril at nakita siya ni Minggoy. Nagmakaawa si Katherine kay Minggoy na huwag siyang patayin dahil mayroon siyang pamilya ngunit binaril pa rin siya ng huli.

Labis ang sakit na naramdaman ng asawa ni Katherine na si Carlos (Gabby Concepcion) at ang kanilang anak na si Doy (Raphael Landicho) dahil sa nangyaring trahedya.

Bukod dito, pinuri ng netizens ang world premiere ng My Guardian Alien dahil sa husay ng pag-arte ng cast, ganda ng istorya at cinematography ng serye.

Balikan ang pilot episode ng My Guardian Alien sa video na ito.

Patuloy na subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.

Maaari ring mapanood ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.

KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.