
Patok sa netizens ang eksena nina Kapuso stars Max Collins at Caitlyn Stave sa recent episode ng My Guardian Alien.
Binibigyang-buhay ni Max ang role bilang si Venus habang si Caitlyn naman ay gumaganap bilang ang nakababatang kapatid ni Venus na si Halley.
Sa Facebook post ng GMA Network, makikita ang clip ng eksena nina Venus at Halley sa 9th episode ng programa, kung saan nagkaroon sila ng matinding sagutan dahil nais bumalik ng huli sa Maynila.
Tinawag naman ni Halley si Manong Ben para ihatid siya pabalik ng Maynila ngunit hindi pumayag dito si Venus. Dahil dito, sinabi ni Halley na magko-commute na lamang siya at humingi ng pamasahe sa kanyang nakatatandang kapatid ngunit hindi siya binigyan nito.
Kinaaliwan ng netizens ang eksena ng dalawang Kapuso stars, lalo na ang linya ni Caitlyn tungkol sa paghingi ng pamasahe.
Bukod dito, nasa 10 million views na ang naturang video clip sa Facebook page ng GMA Network.
Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.
Mayroon ding delayed telecast ang programa sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.