
Handa nang makisaya ang My Guardian Alien stars na sina Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael Landicho sa ikalawang araw ng Philippine Book Festival, na gaganapin sa World Trade Center ngayong Biyernes (April 26).
Abangan ang Kapuso stars sa naturang event para sa book launch ng Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien. Ang librong ito ay tungkol sa magandang pagkakaibigan sa pagitan ng isang bata at alien.
Noong Marso, nagkaroon sina Marian at Raphael ng book reading session para sa elementary school pupils sa dalawang paaralan sa Quezon City, kung saan binasa nila ang istorya ng Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien.
Related gallery: Marian Rivera and Raphael Landicho bring joy to elementary school students with book reading session
Bukod dito, tampok din ang naturang libro sa primetime series na My Guardian Alien, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes. 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at kapuso Stream.
Maaari ring mapanood ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.