
Kaabang-abang ang mga susunod na tagpo sa family series na My Guardian Alien, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Sa episode ng naturang serye mamayang gabi, malalagay sa panganib ang buhay ng alien na si Grace (Marian Rivera) dahil mapapasakamay siya ni Ceph (Gabby Eigenmann).
Ano kaya ang kasamaan na gagawin niya kay Grace?
Sa nakaraang episode ng My Guardian Alien, matatandaan na nakuha ni Grace ang isang fragment ng kanyang pod.
Bukod dito, plano ni Ceph na ma-kidnap si Grace kaya gagamitin nila ni Vega (Luke Conde) ang kabaitan ng alien para sa masamang plano ng una.
Sa pag-uusap ng dalawa, plano ni Vega na dalhin si Grace malapit sa kanyang sasakyan at doon ise-sedate ang huli.
Balikan ang nakaraang episode ng My Guardian Alien sa ibaba.
Subaybayan ang My Guardian Alien, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream. Maaari ring mapanood ang serye sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.