GMA Logo My Guardian Alien
What's on TV

'My Guardian Alien,' patuloy na humahataw sa TV ratings!

By Dianne Mariano
Published June 25, 2024 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

My Guardian Alien


Marami pang dapat abangan sa extraordinary finale week ng 'My Guardian Alien.'

Patuloy na namamayagpag sa ratings ang GMA Prime series na My Guardian Alien, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Sa katunayan, nakapagtala ng 10 percent ang 60th episode ng naturang serye, na ipinalabas noong June 21, ayon sa NUTAM People Ratings.

Sa episode na ito, matatandaan na pinaghahanap ng awtoridad si Ceph (Gabby Eigenmann) matapos ang ginawa nitong pagdakip sa anak nina Katherine (Marian Rivera) at Carlos (Gabby Concepcion) na si Doy (Raphael Landicho).

Pinuntahan naman ni Venus (Max Collins) si Aries (Josh Ford) at nakiusap kung pwede ba nitong puntahan ang kanyang kapatid na si Halley (Caitlyn Stave) dahil kailangan siya nito.

Samantala, isang kuwintas ang ibinigay ni Delfin (Kirst Viray) kay Carlos at kinuha ito ni Grace. Nang hawakan ito ni Grace, napag-alaman nila na ang nagmamay-ari ng kwintas ay ang ina ni Ceph. Nakita rin ni Grace ang nangyari sa mga magulang ni Ceph at nais tulungan ng una ang huli.

Subaybayan ang finale week ng My Guardian Alien, 8:50 p.m., sa GMA Prime.

Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream. Maaari ring mapanood ang serye sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.

KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.