Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Arnold Reyes, Christian Antolin hope to encourage reading among children

Nag-donate ang My Guardian Alien stars na sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Arnold Reyes, at Christian Antolin ng ilang kopya ng childrens' book na pinamagatang “Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien” sa Book Nook ng isang mall sa Taguig City kamakailan.
Ayon sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, natutuwa ang batikang aktor na si Gabby Eigenmann dahil sa paraang ito ay maeenganyo nila ang kabataan na muling magbasa.
Samantala noong Abril, nakiisa sina Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael sa Book Nook Project ng National Book Development Board at nag-donate rin sila ng ilang kopya ng “Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien” na mapupunta sa ilang provincial libraries.
Silipin ang masasayang kaganapan sa naganap na book donation event sa gallery na ito.









