
Nagsimula na ang taping ng pinakaabangan na Kapuso musical/romcom series na My Guitar Princess na pagbibidahan ng multi-awarded singer na si Julie Anne San Jose.
#DudayNoMore: 21 sexiest photos of former child star Isabelle de Leon
Isa sa mga artista na kabilang sa naturang soap ay si Isabelle de Leon na nakapag-shoot na rin ng ilang mga eksena. Sa Instagram story ng former child star, ibinahagi niya na sobra siyang nag-enjoy sa una niyang taping day.
Bigatin ang mga artista na kabilang sa romcom series tulad na lang ng veteran singer/actress na si Sheryl Cruz. Bibida rin ang dalawang bagong leading men ni Julie Anne na sina Gil Cuerva at Kiko Estrada.