
Muling mapapanood sa Philippine television ang romantic comedy Thai drama series na My Husband in Law.
Iikot ang istorya ng tv series sa buhay ng dalawang taong magkababata ngunit hindi malapit sa isa't isa, ngunit kalaunan ay magtutulungan upang makatakas ang isa sa kanila sa isang komplikadong sitwasyon.
Tampok sa serye ang kilalang Thai stars na sina Mew Nittha Jirayungyurn na mapapanood bilang si Moi at Prin Suparat o mas kilala bilang si Mark Prin na mapapanood naman bilang si Tien.
Si Tien ay longtime crush ni Moi at tila hindi ito maglalaho kahit pa ilang beses siyang supladuhan ng una.
May pag-asa kayang magustuhan din ni Tien si Moi?
Handa ka bang iligtas ang ibang tao kahit ang kapalit nito ay isang fake marriage?
Posible kayang magkaibigan ang dalawang taong nagsimulang magsama para lang matakasan ang isang kasalanan?
Abangan ang mga kasagutan sa My Husband in Law.
Magsisimula na itong ipalabas sa GTV ngayong Lunes, November 20, 2023.