
Sa loob ng ilang linggo, muling naging parte na ng pang araw-araw na gawain ng marami ang panonood ng re-run episodes ng My Husband's Lover tuwing gabi.
At tulad ng dati, marami pa rin ang naantig sa forbidden love story nina Eric (Dennis Trillo) at Vincent (Tom Rodriguez) habang ang ilan ay naawa kay Lally (Carla Abellana).
Kaya naman ating balikan ang mga pinagusapang eksena nina Eric at Vincent bago pa nalaman ni Lally ang tungkol sa kanilang lihim na relasyon sa video na ito:
Kabilang ang My Husband's Lover sa ilang Kapuso shows na ine-ere ng GMA habang nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon.
Kung gusto niyong panoorin naman ang ilang latest episodes ng recently aired shows, maari kayong manood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.
Then and Now: The cast of 'My Husband's Lover'
Watch full episodes of the phenomenal drama series, 'My Husband's Lover' online!