
Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA.
Para matapos na ang lahat ng problema ni Vincent (Tom Rodriguez), napagdesisyunan niya na magpatiwakal.
Maging solusyon na kaya ito sa lahat?
Malaking sorpresa para kay General Armando (Roi VInzon) na magkaroon ng gonorrhea sa gitna ng mga problema niya sa pamilya lalo na sa anak niyang si Vincent.
Pero hindi pa rin niya mapigilan na bantaan ang anak na kung hindi magtino ito ay gagawin niya ang lahat para saktan si Eric.
Tuloy-tuloy lang ang panonood ng My Husband's Lover tuwing Linggo, 11:15 p.m., pagkatapos ng The Boobay at Tekla Show.
Huwag palampasin ang aired episodes nito na mapapanood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.