
Bukod kay Michael Sager, maghahatid din ng extra kilig sa GMA Prime ang second leading man ni Jillian Ward sa My Ilonggo Girl na si Vince Maristela.
Ipo-portray ng Sparkle hunk ang role bilang John Paul (o Jampol) na kababata ng karakter ni Jillian na si Tata.
Sa exclusive interview ni Vince sa GMANetwork.com, talagang puring-puri niya ang Star of the New Gen sa tuwing makaka-eksena niya ito sa My Ilonggo Girl.
Lahad niya, “Siyempre nakaka-proud sa sarili na makakatrabaho si Jillian, isa sa experience ko rin is madali katrabaho kasi sobrang galing niya at nadadala niya ako.
“Minsan parang totoo na 'yung nararamdaman ko e.”
Hindi rin daw maiwasan na maalala ni Vince ang best friend niya at kapwa Sparkada member nila ni Michael Sager na si Jeff Moses sa tuwing gumaganap siya bilang Jampol.
Bakit kaya?
“Sobrang na-excite din talaga ako 'yung ganun role 'yung ipo-portray ko, kasi medyo hindi siya malayo sa akin.
“Sa totoong buhay makulit naman kasi talaga ako and naalala ko nga sa role ko si Jeff Moses na best friend ko na naging katrabaho rin ni Jillian sa 'Abot-Kamay na Pangarap', nakikita ko talaga na masaya at malalim 'yung character ko.” paliwanag ni Vince.
Dasurb n'yo kiligin tuwing primetime, mga Kapuso. Kaya simula sa January 13, hatid ng My Ilonggo Girl ang sweetness overload sa GMA Prime sa oras na 9:35 p.m. Monday to Thursday!
RELATED CONTENT: GRAND MEDIA CONFERENCE OF MY ILONGGO GIRL