
Nabighani ang mga viewer at netizen sa 'kilig start' ng GMA Prime rocom series na My Ilonggo Girl kagabi, January 13.
Sa world premiere ng unang kilig serye ng 2025 nakilala na ng mga manonood ang mga karakter na sina Venice (Jillian Ward), ang popular actress at ang kaniyang 'kalokalike' na si Tata (Jillian Ward) na isang tindera ng La Paz Batchoy.
Sunod-sunod ang papuri na natanggap ng GMA Public Affairs online sa first episode pa lamang.
Sabi sa X ni Cariza Aguilar Aldea, “Ang ganda ng #MyIlonggoGirl ang galing ni Jillian Ward at nakaka miss yung ganitong genre sa primetime ROMCOM.”
Napa-hirit naman ang isa na 'tila nanonood daw siya ng K-drama.
Ang ganda ng #MyIlonggoGirl ang galing ni jillian ward at nakaka miss yung ganitong genre sa primetime ROMCOM 😍 @gmanetwork @gmanetwork #MyIlonggoGirl
-- Cariza Aguilar Aldea (@aldea_cariza) January 13, 2025
TATA MAGBANUA, YOUR GWAPANG TINDERA NG BATCHOY, AT YOUR SERVICE! 🤩
-- GMA Public Affairs (@GMA_PA) January 13, 2025
Batchoy ni Gwapa serving very very soooon!
Sabay-sabay nating kilalanin si TATA MAGBANUA ngayong gabi sa #MyIlonggoGirl WORLD PREMIERE, 9:35 PM sa GMA-7! pic.twitter.com/Tyci2ZV5Ic
Lakas ng chemistry ni jillian ward at michael sager nakakakilig silang dalawa @GMADrama @gmanetwork #MyIlonggoGirl
-- Cariza Aguilar Aldea (@aldea_cariza) January 13, 2025
Nanlalamig na ba si Venice kay Francis?!?! 🥶🥶🥶
-- JM Carcoochie (@jmcarcoochie) January 13, 2025
Btw, congrats sa bagong show ng @gmanetwork @GMA_PA and of course, kina Jillian at Michael and sa cast ng #MyIlonggoGirl 👏🏻👏🏻👏🏻#JillianWard #MichaelSager pic.twitter.com/ojgKAyVPu2
infairness my chemistry sila #MyIlonggoGirl pic.twitter.com/lQXLrtdBSz
-- Carmela Quirino (@justmeluh_) January 13, 2025
Super gandaaaa, kudos!! Aliw 💗#MyIlonggoGirl
-- gieyan_cruz (@gieyan_cruz) January 13, 2025
Samantala, bago umere ang My Ilonggo Girl, may nakakakilig na mensahe ang leading man ni Jillian na si Michael Sager sa Instagram. Sinabi nito na sobra itong proud sa kaniya.
Huwag palagpasin ang 'kilig over load' na hatid ng My Ilonggo Girl, Monday to Thursday sa oras na 9:35 p.m.
RELATED CONTENT: Jillian Ward, kinilig sa sorpresa ni Michael Sager