
“Sino bang demonyo na makakaisip na gumawa ng ganito?!” - Michael Sager
Malaman ang mga binitawang salita ni Francis sa brand-new plug ng kinahuhumalingan na mini-series sa primetime na My Ilonggo Girl!
Sa latest teaser, ipinasilip ng GMA Public Affairs ang mga aabangan na eksena sa high-rating romcom series at 'tila dadaan sa malaking pagbabago ang favorite nating Ilongga na si Tata (Jillian Ward).
May kinalaman ba ito sa inutos ni Vivian (Teresa Loyzaga) sa kaniyang mga alipores na wasakin ang mukha ng anak ni Nay Gwapa (Arlene Muhlach)?
Heto ang pasilip sa exciting scenes na dapat n'yong tutukan sa My Ilonggo Girl sa oras na 9:35 pm, Monday to Thursday, sa hindi mapantayan na GMA Prime!
RELATED CONTENT: KILIG MOMENTS WITH JILLIAN WARD AND MICHAEL SAGER