
Sobrang Latina!
Ganiyan maisasalarawan ang mga eksena na inabangan sa number one kilig mini-series sa primetime na My Ilonggo Girl.
Nitong Martes (February 18), nakamit ng GMA Prime series na pinagbibidahan nina Jillian Ward at Michael Sager ang TV ratings na 7.4 base sa NUTAM People Ratings na higit na mataas sa katapat nitong programa.
Tiyak mas lalong intense ang mga mangyayari sa susunod na araw sa pagpasok ng Sparkle actress na si
Myrtle Sarrosa na siyang magiging bagong mukha ni Venice Hermoso.
Kahit ang mga fans, excited na sa magiging banggaan ni Tata kontra kay Venice 2.0.
Sundan ang mangyayari sa paghihiganti ni Venice kay Tata sa My Ilonggo Girl sa GMA Prime, Monday to Thursday sa oras na 9:35 p.m. Mapapanood din ito online via livestreaming sa Kapuso Stream.
RELATED CONTENT: IN PHOTOS: Myrtle Sarrosa's cosplay characters through the years