
Hindi matitinag ang My Ilonggo Girl sa pangunguna nito sa puso ng viewers sa primetime matapos makapagtala ito ng mataas na TV ratings nitong Martes, March 4.
Nakamit ng GMA Prime mini-series ang ratings na 7.6%, ang pinakamataas nitong record simula nang umere ito noong January 2025.
Sa panayam ng Chika Minute kina Jillian Ward at Michael Sager, nagpaabot sila ng pasasalamat sa mga taong sumusubaybay sa kanilang romcom series.
Sabi ni Jillian, “Masaya po ako, kasi ibig sabihin nun, maraming nanonood. Maraming natutuwa sa show namin.”
Dagdag pa ng Star of the New Gen, “Very grateful, sobrang happy po ako and I feel so blessed.”
Source: 24 Oras and GMA Public Affairs
Inalala naman ni Michael Sager ang moment nang ipaalam sa buong team ng My Ilonggo Girl ang na-achieve nilang mataas na TV ratings. “I'm just celebrating with everybody, kasi, nung sinabi po sa amin sumisigaw 'yung prod. Palakpakan kami lahat, kasi yesterday was high-rating din. So, were just grateful,” kuwento ng Sparkada heartthrob
May patikim na rin si Jillian sa mangyayari sa karakter niya sa primetime series na dapat tutukan. Lahad niya, “This week po lalabas na si Tata 2.0. Pati nga po sa ibang social media platforms pino-post nga nila, gumagawa sila ng edits na palaban na [raw] si Tata.
“So, nakaka-excite na po kung ano gagawin ni Tata. Paano siya lalaban against kina Venice, kina Ma'am Vivian, [at] Sugar.”
Binalikan din ni Jillian sa panayam niya sa Chika Minute ang ginawa nilang eksena ni Michael kamakailan na talagang napahanga siya ng Kapuso actor.
“Umiiyak talaga siya ng totoo, kasi parang goodbye 'yung eksena. Tapos, parang malapit siya sa real life scenario namin. Na-feel ko po, actually, nung shishoot namin 'yung eksena na 'yun na-feel ko na genuine po pala si Michael.
“I mean 'yung pagiging caring niya, pagiging mabait niya talaga sa akin.”
RELATED CONTENT: JILLIAN WARD AT MICHAEL SAGER, HATID AY PUSO AT KILIG SA PRIMETIME: