Jillian Ward, kinilig sa sorpresa ni Michael Sager

More pogi points, Michael!
Napuno ng kilig ang idinaos na grand media conference ng 'My Ilonggo Girl' nitong Huwebes ng hapon (January 9) sa Luxent Hotel sa Quezon City dahil sa special surprise ni Michael Sager para sa Star of the New Gen Jillian Ward.
Habang busy si Jill sa kanyang interviews sa entertainment press, bigla ito sinorpresa ng kaniyang leading man ng isang bouquet of flowers na labis na ikinatuwa ng Sparkle actress.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Jillian, sinabi nito na “very attentive” raw si Michael sa kaniya. Kaya naman mas naging komportable raw siya sa tuwing may mga eksena silang dalawa sa 'My Ilonggo Girl.'
“Si Michael super attentive niya, tina-try niya talaga 'yung best niya para maging komportable ako. Sinasabi ko nga sa mga other interviews ko may mga times na mahiyain po ako lalo na po ito romcom talaga, so may mga scenes na kilig na kilig, ganyan.”
Pagpapatuloy ng Kapuso home-grown Kapuso actress, “Talagang kinikilala niya po ako, tapos he really tries to talk to me. Nagme-message po siya, nangugumusta. 'Yung mga ganun, so, nakakahelp po talagang nagre-reach out po siya and kinikilala niya po ako. So, 'pag sa eksena parang, 'Ah okay. Komportable na.'”
Tingnan ang ilan pang behind-the-scenes moments sa grand media conference ng 'My Ilonggo Girl'sa gallery na ito!













