Jillian Ward, Michael Sager, Yasser Marta, Lianne Valentin, dumalo sa naganap na Kalilangan Festival sa GenSan

Nagdala ng saya at kilig ang mga bida ng GMA Primetime series na My Ilonggo Girl na sina Jillian Ward, Michael Sager, Yasser Marta, at Lianne Valentin nang dumalo sila sa naganap na Kalilangan Festival sa General Santos City.
Ang Kalilangan Festival ay isinasagawa bilang pagbibigay pugay sa pagdating ng unang 62 Christian Settlers na pinamumunuan ni General Paulino Santos. Selebrasyon din ito ng founding anniversary ng General Santos City, o Gen San.
Tingnan kung papaano pinakilig at pinasaya nina Jillian, Michael, Yasser, at Lianne ang mga taga-GenSan sa gallery na ito:










