
Masayang-masaya si Edgar Allan Guzman sa kaniyang pagbabalik Kapuso at pagiging parte ng one-of-a-kind na seryeng My Korean Jagiya. Inamin ng aktor sa media habang nasa press conference ng kaniyang panibagong show na isa raw ito sa kaniyang pinakamalaking break sa showbiz.
Aniya, "[I feel] proud, happy, and super blessed kasi actually this is my first primetime show sa buong career ko sa isang big network like GMA. I'm very thankful kasi binigyan ako ng opportunity ng GMA na mapabilang sa My Korean Jagiya."
Nagsambit ng dalawang rason si Edgar kung bakit nito tinanggap ang project.
Ayon sa kaniya, "Hindi ko matanggihan 'yung offer sa 'kin ng GMA kaya ako lumipat. Because of primetime GMA Telebabad, plus Heart Evangelista 'yung leading lady, bakit ka hihindi sa offer na 'yon?"
Inamin din ng aktor na hindi niya napigilan mag-fan boy nang una niyang makita at makausap si Heart Evangelista sa set ng My Korean Jagiya.
"Sinabi ko sa kaniya 'nung first taping ko, 'Dati pinapanood lang kita noong 'di pa ako artista, ikaw 'yung chinita na sobrang ganda.' Sobrang crush na crush ko siya, it's a dream come true na dati pinapanood ko lang, ngayon nakakaharap ko na, nakakausap ko na, at nakakaeksena ko pa," sabi niya.
Sino naman kaya ang karakter na bibigyang buhay ni Edgar sa show na ito?
"Ako dito si Ryan Alba, ang boyfriend ni Heart Evangelista which is si Gia. Si Ryan mayabang, pakain, feeling pogi, [at] babaero. Ako 'yung magpapatibok ng puso ni Heart pero ako rin 'yung sisira sa puso niya kaya siya mai-in love kay Jun Ho which is Alexander Lee."
Sa My Korean Jagiya, makakatrabaho ni Edgar ang mga foreign actors na sina Alexander Lee, David Kim, Michelle Oh, at Jerry Lee. Hangang-hanga naman siya sa professionalism at attitude na pinapamalas ng mga South Korean co-stars niya.
Ani Edgar, "Nakaka-bonding ko sila sa set, sa isang tent magkakasama kami. Ang hirap mag-English [laughs]. Pero masaya sila kasama, napaka-down-to-earth ng mga Koreano, lalo na si Alexander Lee, 'di siya nagdadala ng taping chair o higaan kasi nahihiya siya makita matulog ng mga tao. Napakabait, napaka-humble,