
Nagbabalik ang one-of-a-kind Kapuso teleserye na My Korean Jagiya sa GMA Telebabad!
Noong nakaraang linggo, nagbalik si Jun Ho (Alexander Lee) sa Pilipinas para muling makasama si Gia (Heart Evangelista).
Ngunit tila huli na ang lahat nang piliin ni Gia si Gong Woo (Andyu Ryu) upang malimutan niya ang masalimuot niyang karanasan sa pag-ibig.
Hindi sinabi ni Gia kung saan sila mananatili ni Gong Woo kaya pilit na inaalam ni Jun Ho kung saan niya matatagpuan ang dalaga.
Humingi ito ng tulong kina Aida (Janice De Belen) at Josie (Ricky Davao) ngunit, sa kasamaang palad, minarapat nilang huwag sabihin ang address ni Gia sa Koreano.
Panoorin ang highlights ng My Korean Jagiya dito:
Lee Gong Woo, miyembro ng bantay-salakay gang
Gia, na-fall na kay Gong Woo?
Sexy secretary Hannah's scheme
Ang pagbabalik ni Jun Ho
Gia chooses Gong Woo over Jun Ho
Tunghayan ang mga nakaka-K-lig na tagpo sa My Korean Jagiya, gabi-gabi sa GMA Telebabad.