GMA Logo  Andi Eigenmann and Jaclyn Jose
What's on TV

Andi Eigenmann, inaming nasaktan si Jaclyn Jose nang umalis siya sa showbiz

By Kristine Kang
Published June 9, 2024 6:13 PM PHT
Updated June 10, 2024 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

 Andi Eigenmann and Jaclyn Jose


Andi Eigenmann sa reaksyon ni Jaclyn Jose sa kaniyang pagtigil sa pag-aartista, "It was about leaving a big part of her life."

Naging emosyonal ang dating aktres at content creator na si Andi Eigenmann sa kaniyang pagkuwento tungkol sa kaniyang yumaong na ina na si Jaclyn Jose.

Sa kaniyang panayam kasama si Boy Abunda sa TV special na My Mother, My Story, ibinahagi ni Andi ang kaniyang kuwento tungkol sa kaniyang pag-alis sa showbiz at pagtira sa Siargao.

Kuwento ni Andi, nalungkot si Jaclyn sa kaniyang naging desisyong iwanan ang showbiz career. Kaya naman kapag may pagkakataon sila mag-usap, palagi raw siya kinukulit ng kaniyang ina na bumalik ulit sa showbiz.

"It took me a while to realize how heavy it must have been for her when I left the industry. One of her last few messages to me when she would send me messages and she would just miss me, magpaparamdam siya, she would always either sasabihin niya, 'Oh, may offer ka' or 'Meron may gusto kumuha sa iyo sa isang pelikula' or ' Sure ka ba? Baka naman puwede kang bumalik lang dito. Dalin mo 'yung kids tapos mag-taping ka nang ganito," pahayag ni Andi.

Sa umpisa, akala ni Andi na nanghinayang lang si Jaclyn sa kaniyang talento ngunit napagtanto niya na mas malalim pala ang rason ng paglungkot ng kaniyang ina.

Aniya, "But what I realized was that it was more for her, you know, because leaving the industry was not just about leaving showbiz, it was about leaving a big part of her life. I literally just left that."

Pero kahit ganoon pa man, supportive pa rin daw ang veteran actress sa kaniyang mga desisyon buhay.

"I understand where you are coming from, wow yeah my mom must have missed me. My mom must have been sad, you know being with me away. But that's the thing is that she didn't make me feel it. She made me feel that it's okay," sabi ni Andi.

Inamin ni Andi meron din mga pagtatalo sila ng kaniyang ina. Pero kahit ganoon pa man, mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa.

Sinabi niya, "Kahit minsan, kahit kailan, walang moment na hindi kami proud sa isa't isa, hindi kami fan sa isa't isa."

Laging nasa tabi niya raw ang kaniyang ina, lalo na kapag may problema siyang hinaharap sa career o sa buhay. Hinding hindi niya raw makakalimutan ang pagmamahal na ibinigay ni Jaclyn sa kaniya.

Emosyonal niyang ikinuwento,"Napatunayan niya para sa akin masasabi ko na isa siyang evidence, siya at ako na ang pagmamahal puwede maging sapat. Kasi kahit hindi siya naging perpektong ina, sa buong buhay ko, lahat ng pagmamahal na binuhos niya sa akin, naging sapat para mapalaki ako or magpalaki siya ng tao na nasa isang magandang lugar sa buhay niya."

Ngayong pumanaw na ang kaniyang ina, nais daw ni Andi na ipagpatuloy ang legacy ng kaniyang ina. Sa ngayon iniisip pa niya kung paano niyang gagawin ito. Pero sigurado raw, iikot ito sa pagmamahal ni Jaclyn sa film making at acting.

"Hindi ko sinasabing ayoko mag-artista ulit or umarte ulit, hindi na ako babalik. Naghahanap pa rin siguro ako ng tamang pagkakataon para doon," sabi ni Andi.

Subaybayan ang limited talk series na My Mother, My Story, tuwing second Sunday ng buwan, 3:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ang mga full episodes at highlights ng programa sa mga social media pages at website ng GMA Network.

RELATED CONTENT: Behind-the-Scenes: Andi Eigenmann turns emotional in 'My Mother, My Story'